If noli me tangere is touch me not what is el filibusterismo
El fili characters.
El filibusterismo
Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman[1] ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.[2] Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hírap habang sinusulat ito at,[3] tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
El filibusterismo meaning tagalog
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa Londres, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa banghay at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Bruselas, at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz.
Inilathala ito sa taon ding iyon sa Gante. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa